Counselor on Air

Carmen Go-Vargas

"Tawagin nyo na lang akong Ate Cam. Kasa-kasama na ako sa counseling ministry ng Far East Broadcasting Company o FEBC mula pa noon 1987. Sa aking trabaho bilang counselor at broadcaster, iba’t ibang problema ang aking narinig. Karamihan sa mga tanong na nasa librong ito ay mga aktuwal na tanong na isinulat, tinext o tinawag sa radio program naming Heartline na naririnig sa 702 DZAS. Yung iba naman ay mga problemang inilalapit sa akin ng mga napagpayuhan ko nang personal. Isa rin akong anak, kapatid, auntie, hipag, manugang, lola at asawa: anak ng aking mapagmahal at masisipag na mga magulang, panggitna sa anim na makukulit pero mababait na mga kapatid, auntie sa maraming minamahal na pamangkin, hipag sa mga magaganda at guwapo kong in-laws, manugang sa aking mabait na biyenan, lola sa apo sa pamangkin, at nag-iisa sa buhay ng aking mapagmahal at masuportang asawa. Sa aking pakikipag-ugnay sa bawat mahal ko sa buhay, marami na akong natutunan na at alam kong matututunan pa. At ito ang mga tunay na istorya ng buhay ko. Mababasa mo sa librong ito ang iba’t ibang struggles na kinakaharap ng tao sa kanyang buhay may-asawa, sa trabaho, sa tahanan, sa eskwela, at sa iba’t iba pang relasyong mayroon siya. Maaaring tanong mo rin ang tanong ng iba rito. Ginamit ko ang question-and-answer format para ikaw na aking tagabasa ay makapasok sa aming usapan. Nawa’y makatulong sa iyo ang mga ibinahgi kong payo rito. I invite you, my friend, to a personal chat about life’s journeys and the God who journeys with us. Carmen “Ate Cam” Go Vargas Your Counselor on Air"


Single Item for ₱100.00


Category: How-to & Self-help, Inspirational

Publisher: CSM Publishing

Cover Price: N/A

ISSN :

On-Sale-Date: 2014/08/22

Print Length: N/A

Country: Philippines

File Size : N/A

Language: N/A

Interactive Size : N/A


Customer Reviews

Average Rating:

0.0

out of 5 stars

Your rating


You might also like

  • Counselor on Air